Resign na ako!!! Bakit???

prob ko now, nagresign ako ng biglaan kasi di ko na kaya. sobrang hindi na patas sa work. 4 1/2 years ren ako dito sa company na ito. may mga pangako lang and kakilala ko sila, and malapit pa sa bahay kaya nandito ko. pero now resign na ako.

kung iisa isahin ko ang mga naging probs ko with them, kasi naalala ko nanalam silang lahat…

– pag pasok ko ng ofc, di ako nagiinternet. pero every saturday or random day, kinakausap ako, kinakamusta ng boss kong chinese kung musta na work. then sa huli sasabihin na dami kami proj, busy kami, so dapat raw next week serious na raw ako, wag muna internet. and dapat sa next project eh serious na raw. Weird, eh serious naman talaga ako ah. kaya sa sobrang bad trip ko, after a year or two, bumigay ako, nag internet na ren ako.

– ang pag internet ko, like blogging, konti lang, kumbaga yung break time ko, dun na lang napupunta. then may times na for 2 or 3 wks 5 mins or less lang ako maglunch, maaga pumapasok, almost midnight umuuwi, more than 12 hours ako straight nagwowork. then sasabihing bibigyan raw ako ng ot pay. sabi ko wag na, no need. nagpumilit, bibigyan raw ako. di naman binigay.

– aayusin raw ang schedules ng project kasi patong patong talaga, kasi 2 lang kaming programmer, ako and yung pinoy boss. then medyo bigatin proj namin. dumating ang time na di ko na matapos lahat kasi sabay sabay na sila. inayos nga ang project sched, tapos may sisingit na iba, tapos imomove raw ang sched, di naman. labo labo na. then tatanungin ako ng “bat di mo pa tapos?”

– 2 months akong deployed sa 2 different clients, then nagsabi boss ko na bibigyan raw nila ako ng travel and food allowance, icocompute raw nya. wala naman.

– dinugo ako nung buntis ako before kay ivan dahil sa work

– ceasarian ako, nung nasa bahay na ako, tumatawag boss kong pinoy, ask kailan ako babalik. prob ko money, and naaawa na ren ako sa kanila. so less than a month bumalik na ako work. may isang project programming, kahit hilong hilo ako sa work, tinapos ko ng madalian. mon to sat work, nagkasakit ako kasi nabigla sa work. 2 wks ako nagtatake ng antibiotic and tempra, until narealize ko na baka need ko pahinga. nagrequest ako ng mon to fri muna, pumayag naman sila, after a year and napansin kong bumalik na ako sa normal, nag mon to sat na ako, just like sa usapan.

– before ako pumasok sa kanila, usapan is allowed late and absent, super flexi kumbaga, no ot pay. pero nung naging ok na company, pag late ako everyday, sinasabihan na ren ako, pag absent ako, niquequestion na ren ako

– since kulang kami sa tao, nakaisip sila ng paraan para di kami ippressure ng clients. ang sinasabi nila sa clients is di super woman si malou and no such programmer na tipong all in one kayang gawin lahat ng maayos. kumbaga ililista ko lang raw mga papagawa and errors, then pag simple lang, ako na gumagawa, pag di na simple, yung mga programmers na raw ang gumagawa, kumbaga may mga tao raw ako na naghahandle ng ganung job. eh sa office one man team kami eh. gets mo yun, ako lang ang gumagawa, wala akong hawak na programmer.

– in a client (relative ni chinese boss), we’re in a meeting, di ba a printer na di borderless, di makakaprint ng sagad. may ginawa akong report na gusto ng client is isagad, eh di naman talaga puede sa printer nila. yung staff ang nag ask. so sabi ko, di talaga puede kasi walang option yung printer na borderless printing. sinabi ko in tagalog kasi nandun ren boss pinoy. after a few seconds, nagkataong magkatabi chinese boss and yung chinese staff, sabi ni boss… in chinese… “di bale tita, akong bahala. checheck ko yan, gawan ko paraan”. sige nga kcat! kaya mo yan!

– now na resign na ako, pinapaextend ako ng 15 days, eh 1 1/2 months na ako dito. di ako pumayag, sabi ba naman… “sige ikaw, kung ayaw mo tapusin mga projects. dami mo hindi tapos. ano ba mas importante syo, family or career.” eh pano ko matatapos kung patong patong.

– 25,000php salary ko, di na ako naincrease for 3 years. di balance ang work ko sa salary ko.

– while on a meeting with a client, relative ulit ni chinese boss, bali boss ko na chinese, yung client, then ako lang kasama sa meeting. before the meeting, niexplain ko na sa boss ko kung ano gusto ng client (pinsan nya) kasi nagkausap na kami a few days ago. sinabi ko na ren sa kanya yung idea ko about paano aayusin yung system. while on the meeting, yung client and boss ko lang nag sasalita, kasi ask ng ask boss ko, eh ako naman, alam ko na gagawin ko, ako naman ang programmer eh, nagawan ko na ng plan. then may tinanong client, di nagsalita si boss, so nagsalita ako, sinagot ko tanong ng client. after ko sagutin, ginawa ba naman ng boss ko is ni explain ng boss ko sa client yung sinabi ko, ni translate to chinese. salita ko kasi halo halo, pero yung client is just like us na marunong tagalog and english. after nya iexplain, sabi ba naman sa akin ng boss ko… “malou halika dito” eh malapit naman ako sa kanya kasi nga nagmemeeting kami di ba. then sabi… “eto gagawin mo” ni explain sa akin kumbaga inulitnya yung sinabi ko. then may mali sa sinabi nya, so ni correct ko. then inulit nya, kumbaga ang pakilala nya sa mga clients nila is sya yung system analyst, kasi naman mabilis lang maginterview and magtanong di ba. then prob is, mali mali yung pagkakaintindi nya and pag analyze nya, analyzing is a different thing pag dating sa business pag gagawa ka ng program or solution. pinapahiya nya ako sa harap ng client sa ginagawa nyang yun.

– we have a client na may IT supervisor having a salary of about 54,000php per month. Yan yung naging salary nya before sya magresign. Babae sya. She has kids. Her complain is she’s so busy at the office, staying late at night and sometimes stays until morning the next day. She has no late deduction. Absences naman, marami silang VL. Then no OT pay, but have OT allowance and night differential allowance na di naman malaki. Rules yan ng company for supervisor positions. She gets a yearly increase of 10% every year. Eh ako 25,000php ang salary ko, no late and absent allowance, no VL, no OT pay or allowance. Sariling cost pag punta ng client. Super busy sa work and works up to 10 hours everyday. Then sasabihin nila sa akin na magpasalamat raw ako and dito ako nagwowork, and di ko need maging super serious sa work, na yung girl raw eh nag oovernight pa dun, ako no need to overnight. Eh ako sometimes stays up to almost midnight. Yung girl, siguro same case na tipong minsan need to stay super late or up to the next day. Pero naman, yung salary namin. Di ko mabanggit na, sige palit kami ng work, palit kami salary, palit kami ng perks. Sya walang yearly increase, ako meron. Papayag kaya yung babae, natural hindi. Tapos paclose effect pa boss ko na Chinese dun sa girl, then pinapayuhan na dapat lang na magresign na dahil sa ganung klaseng work.

– usapan kaya ako nagwork sa kanila is para malapit sa bahay. pero one day, kung kaya ko na raw, and I think I should and they would tell me na sa Ortigas na ren ako magwork, eh di na malapit ang work sa office. bawal na raw ang late. their partner have a good package raw for programmers. eh feeling ko naman magiging pantay lang ang salary nung newly hired with the salary na ibibigay nila. sabi nila, pag dun ako sa new company nila, parang di conflict of interest, iiwan ko na raw mga hawak ko sa current company (that’s an option they have given me since magresign na ako, baka gusto ko dun sa new company nila). Eh yung boss ko na pinoy, di nga ren raw puede hawak mga clients sa current company kasi conflict of interest. Eh ngayon hawak pa ren nya. So meaning, pag nalipat ako dun, magiging pang 2 companies ang hawak ko, with the salary na may increase dahil mapapalayo ako. User-friendly talaga.

– every meeting, the chinese boss always tell me and yung isa ko pang kasama na di programmer, na we should be thankful kasi nageexist yung company, kundi eh paano na raw kami. kung di ba naman gago, eh syempre kung wala yung company, eh di sa iba ako nagwowork, then yung boss na pinoy, nagfreefreelance or nagwowork sa ibang company, then sya (yung boss na chinese) eh di maghahanap sya ng work (yun eh kung kaya nyang makahanap ng matinong work) dahil nagwork sya sa relative nya before and nagtry mag sell ng networking stuff. mag sell na lang sya ulit ng networking stuff, yun eh kung kaya nya, dahil di naman sya makabenta dati. pasalamat sya may new company with his pinsan sa ortigas, kundi lagot sya. umasa na lang sya sa wife nya.

Kung ikaw ang nasa situation ko, ano ang gagawin mo?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

CommentLuv badge